Ilang oras nalang at aalis na muli ako sa Pinas. Di katulad nung huling alis ko, di ganon kalungkot. Siguro dahil ngayon wala akong karelasyong maiiwan, wala nang commitment na maiiwan, wala na masyadong iisipin. Dahil na din siguro handa na ako ngayon at tanggap ko na darating itong araw na to na aalis ulit ako. Buti nalang talaga nandiyan ang pamilya’t mga kaibigan ko na nagbibigay saya sa araw araw, kung wala sila siguro napakalungkot nung mga nalalabing oras ka sa Pinas. Masasabi kong SULIT etong balik ko sa PIlipinas kahit walang karelasyon nandiyan naman ang mga taong nagmamahal sa akin at hindi kailan man makikipagbreak <3
Paalam Pilipinas mag kikita muli tayo. Balang Araw.