Halikana

Jam | Japan

Hundi ako suplado, mahiyain lang. Che!


Panda/s

Kahit anong tamis ng ngiti mo, ang tabang na ng dating sa akin.

Kaya ko nang sabihin ang pangalan mo na hindi ngumingiti.

Hindi na ako masyadong kinikilig sa tuwing naiisip ka.

Madaling sabihin, mahirap gawin.

Merong mga tao na hirap na hirap mag move on, meron din naman na di masyado nahihirapan.

Bakit di mo makuhang mag move on? Mahal mo pa siya? Umaasa ka parin na babalik siya sayo? o sadyang tanga ka lang?

Wag mong sasabihin na wala nang ibang katulad niya na mag mamahal sa’yo, dahil bakit ka hahanap ng katulad niya diba? kung katulad niya lang ang magiging susunod na karelasyon mo malamang sa hiwalayan lang mauuwi ang lahat. Sabi nga ng guro namin noong highschool ang pag bf/gf ay parang trial and error lang. Pag nag kamali ka isipin mo kung bakit naging ganon ang naging resulta para sa susunod na subok, malay mo tumama ka na.

Basta lagi mong tatandaan na mas mabuting umabante ka sa buhay mo kesa sa nakahinto ka lang diyan at nag hihintay sa walang kasiguraduhang katangahan.