Minsan di mo maiiwasang ma wrong move. Yung tipong nagawa mo na yung isang bagay tapos sa huli mapapaisip ka kung tama ba yung ginawa mo, pero wala ka nang magagawa kasi nagawa mo na. Shit lang.
Nakakapanghina sa pakiramdam pag sa tuwing nakikipagkwentuhan ka sa mga kaibigan mo tapos laging napupunta sa usapang pag ibig.
Kanya kanyang sharing, kanya kanyang kilig, pero pag kinamusta na yung sa’yo sasagot ka ng pinaka positibong sagot na kaya mong sabihin. sabay ngiti. Shit.

Sa dami ng iyong tagahanga, ang magagawa ko nalang ay tumunganga.
Hindi naman ako makadiskarte, pag nakakausap ka ay parang nakukuryente.
Pesteng katorpehan to, lagi nalang pinalalambot ang aking buto.
Kaya heto ako ngayon di alam ang gagawin, lagi nalang ligaw tingin.